^

Probinsiya

2 sundalo patay sa BIFF sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi sa patuloy na pagtugis ng gobyerno sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon sa mga ulat, bukod sa mga nasawi, lima pang miyembro ng Marine Battalion Landing Team 8 ang nasugatan sa kanilang operasyon kahapon.

Halos limang oras nagtagal ang engkwentro ng militar at BIFF sa boundary ng Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha at Barangay Pusaw, Mamasapano.

Samantala, binigyan ng  departure honors ngayong Miyerkules ng umaga sa Villamor Airbase ang nasawing scout ranger sa Maguindanao.

Iniuwi ng Tuguegarao, Cagayan ang mga labi ni Capt. Gromel Auman na nasawi matapos tamaan ng shrapnel ng granada sa leeg.

Patuloy ang opensa ng gobyerno laban sa breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front, ang BIFF.

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY PAMALIAN

BARANGAY PUSAW

GROMEL AUMAN

MAGUINDANAO

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with