Trader nanlaban sa holdaper, utas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 45-anyos na babaeng trader matapos itong barilin ng riding-in-tandem holdaper sa Barangay Centro East, Santiago City, Isabela kamakalawa.? Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Santiago City PNP, napuruhan  sa dibdib si Remedios Estiloy ng Roxas Street, District 2, Cauayan City. Batay sa police report, namimili ng mga frozen meat ang biktima para sa kanyang puwesto sa Cauayan City nang salakayin ng dalawang holdaper dakong 3:30 ng mada­ling araw. Nanlaban ang biktima sa dalawang holdaper na nakasakay sa motorsiklo kaya binoga siya ng babaeng rider saka tinangay ang kanyang bag at cell phone habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments