Kagawad utas sa holdap

MANILA, Philippines – Patay ang isang 50 anyos na barangay kagawad matapos pagbabarilin nang akmang papalag sa armadong holdaper na humarang sa daraanan nito sa Brgy. Bag-Ong Maslog, Aurora, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Marita Itao, 50 anyos, may asawa, brgy. kagawad ng Brgy. Balimbingan ng bayang ito na nagtamo ng tama ng bala sa baba na naglagos sa batok nito.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9,  dakong alas-9 ng gabi habang magkakasamang naglalakad ang biktima at mister na si Enrique Itao, kapitbahay na si  Marius Curbo at manugang na si Thaddeos Tigbago sa Brgy. Bag-ong nang harangin ng armadong holdaper.

Akmang papalag ang biktima kaya bigla siyang binaril ng suspek gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

Agad na hinablot ng suspek ang dalang wallet ng biktima na naglalaman ng P 4,000.000 kung saan mabilis itong nagtatakbo sa pagtakas.

Show comments