4 tiklo sa baril at droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 43-anyos na arkitekto at tatlong miyembro ng gun-for-hire group matapos makumpiskahan ng 260 gramo ng shabu sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cagayan at La Union kamakalawa. ?

Aabot sa 200 gramo ng shabu ang nasamsam sa bahay ng suspek na si Architect Aristotle Magabilin sa Barangay Taggat, bayan ng  Claveria, Cagayan.

Ayon kay P/Senior Insp. Manuel Viloria, hepe ng Claveria PNP, bukod sa bawal na droga ay nasamsam din ang dalawang baril sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Gemma Bucayu-Madrid ng regional trial court. ?

Samantala, nasakote naman sina Rechie Mamaril, Carlomax Maniago, at  si Ronaldo Foronda matapos masamsam ng 52 plastic sachet ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Aringay, La Union.

Ayon kay P/Senior Supt. Ramon Rafael, ang tatlo ay nakatala sa top drug personalities ng PNP.

Show comments