Holdaper kumasa sa pulis, grabe

BULACAN, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang nagiisang holdaper matapos na lumaban ito sa pulisya nang maaktuhang hinoholdap ang isang residente sa Brgy. Bagong Buhay 2, San Jose Del Monte City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan pang inoobserbahan matapos na isugod sa Sapang Palay District Hospital ang suspek na si Alladin Quizon nasa hustong gulang, residente ng Road 2, Brgy. Minuyan sa bayang ding ito na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Base sa ulat ni P/Supt. Frankie Candelario ng PNP Provincial Public Safety Company dakong alas-10 ng gabi ay bumaba mula sa pag-aaring owner type jeep (VAD-243) ang biktimang si Danilo Escaros nasa hustong gulang saka pumasok sa loob ng Sampol Market sa EVR Road,Brgy. Bagong Buhay upang mamili  nang holdapin ng suspek na armado ng cal. 38 na baril. Naaktuhan naman ito ni PO2 Ryan Sanchez at isa pang miyembro ng PPSC-Special Weapon and Tactics na noo’y nagroronda sa lugar na nauwi sa shootout na ikinasugat ng suspek.

Show comments