Negosyanteng mag-utol, pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang magkapatid na negosyante makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa panulukan ng Jose Lim Sr. Street at General Corcuera Street sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mag-utol na sina Buagas Abdul, at Dido Abdul na kapwa nagbebenta ng sugpo at alimango at mga nakatira sa Sitio Gidugo, Barangay Kalanganan Uno sa nasabing lungsod. Si Buagas ay binawian ng buhay sa loob  establisiyamento habang ang kapatid nitong si Dido na naisugod pa sa pagamutan subalit namatay din. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo sana ang mag-utol sa Sunsky sa Don Rufino Street para bumili ng ilang gamit nang harangin at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki. Pinaniniwalaang holdap ang isa sa motibo ng gunman sa naganap na krimen.

Show comments