Dalaga pinatay, isinako ng lover

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na dalaga makaraang saksakin at isako ng  kanyang ka-live-in saka itapon sa irrigation canal sa Barangay Balombon, bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa. Bandang alas-9:30 ng umaga kahapon nang matagpuang nakalutang sa irrigation canal ang bangkay ni Rubelyn Francisco ng Barangay Belen habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Gabriel “Gab” Palma 22, ng Barangay Tomagodtod. Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong matinding selos ng suspek kaya nagawang paslangin ang biktima.

Show comments