2 tiklo sa pekeng Online promo fares booking

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing may operasyon ng pekeng Online promo fares booking ang nasakote ng mga awtoridad matapos ireklamo kamakalawa ng hapon sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina John Michael Cruz, 20, ng Barangay Sto.Niño; at Jomar Pa­yongayong, 25, ng Barangay San Sebastian sa nasabing bayan.

Ayon kina PO3 Frede­rick Felipe at PO3 Jayson Salvador, ang mga suspek ay nagpapanggap na mga kawani ng kilalang airline company para makakuha ang mga kliyente sa mababang halaga ng airline tic­ket sa ibat’ ibang lugar sa bansa.

Nadiskubre ang modus operandi ng mga suspek matapos na magreklamo sa mga awtoridad ang 46-an­yos na negosyanteng babae kaugnay sa kanyang biniling promo fares na walang naipadalang plane ticket sa e-mail.

Ang biktima ay nakum­binsi ng mga suspek dahil sa mababang halaga ng airline ticket sa pamamagitan ng Online booking patungong Boracay Island.

Nang beripikahin ang mga pangalan ng suspek na wala na sa airline company ay ikinasa ang entrapment operation laban kina Cruz at Payongayong.

Show comments