5 tindahan nasunog: 2 patay

QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang magkasunod na namatay matapos masunog ang limang tindahan sa panulukan ng Rizal Street at Don Juancho Street sa Barangay Rizaliana, bayan ng Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa suffocation si Larry Palado habang natagpuang tupok na sa palikuran ng bahay na nasunog si Nicole Villamayor, 11. Base sa police report, nagsimula ang sunog sa mga tindahan na pag-aari nina Mylene Batoto, Henry Caldenero, Huling Almirez, Regie Grobador at ni Larry Palado. Nagpulasan ang mga residente dahil sa pagkalat ng apoy kung saan hindi na nakalabas ng bahay ni Villamayor habang si Palado ay sinikap namang iligtas subalit kinalaunan ay namatay din. Inaalam ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.

Show comments