Lola, biyuda dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines - Dalawa-katao ang namatay sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Bacoor City at sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Sinalpok ng dalawang sasak­yan ang 84-anyos na si Enerata Ambagan habang ito ay tumatawid sa Aguinaldo Highway sa Barangay Panapaan V, Bacoor City. Arestado naman ang driver ng truck (UPV 217) na si Mark Manaloto, 26, ng Dolores Hacienda sa bayan ng  Porac, Pampanga. Hindi naman huminto ang ikalawang sasakyan na nakabundol sa biktima. Samantala, sinalpok naman ng van ang biyudang si Michelle Lineses habang ito ay tumatawid sa Aguinaldo Highway sa Barangay Lalaan 1st sa bayan ng Silang, Cavite. Nasakote naman ang driver ng van (VDA 174) na si Michael De Sagun ng Barangay Carlosa, Calatagan, Batangas.

Show comments