Serye ng holdapan, binabalewala

CAMARINES NORTE, Philippines – Nabahala ang mga negos­yanteng Bumbay sa sunud-sunod na panghoholdap sa kanilang grupo matapos na isa na namang trader ang hinoldap ng riding-in-tandem holdaper sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Base sa police report na isinumite sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr, kinilala ang biktima na si Avtar Singh, 42, ng Metro Park, Barangay Magang  sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Natangay sa biktima ang nakolekta nitong pautang na P6,000 sa isang tindahan sa Brgy. North Poblacion bayan ng Jose Panganiban. Aabot sa anim na insidente ng holdapan ang naitala sa mga bayan ng Paracale, Jose Panganiban at sa bayan ng Daet, Camarines Norte nitong Pebrero 2015.

Show comments