Lubog sa utang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dahil sa matinding pangambang hindi na mabayaran ang patung-patong na utang; nagpasyang magpasalubong kay kamatayan ang 58-anyos na magsasaka matapos itong magbigti sa ilalim ng tulay sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa. Hindi inakala ng pamilya na tototohanin ng biktimang si Danilo Ruizan ang kalimitang sinasambit nito na balak mag-suicide para malusutan ang problemang pinansyal. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Quintos Bridge sa Fernandez Avenue dakong alas-6:30 ng umaga. Sa tala ng pulisya, nagbigti rin ang magsasakang si Arnel Arnedo ng Abulug, Cagayan noong nakalipas linggo dahil din sa problemang patung-patong na pagkakautang na hindi mabayaran.

Show comments