^

Probinsiya

7 NPA utas sa militar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) ang patay matapos makaengkwentro ng mga militar sa Alabel, Sarangani kahapon.

Bandang 3:30 ng hapon nakalaban ng 73rd Infantry Battalion ang mga miyebro ng NPA sa Sitio Tugal sa Barangay Datal Anggas.

Ayon sa tagapagsalita ng10th Division na si 1Lt. Vergel Lacambra nasa 30 rebelde ang nakabakbakan ng mga militar na kabilang sa NPA South Mindanao Regional Committee.

Naunang iniulat ng militar na siyam ang nasawi sa hanay ng NPA, ngunit tanging pitong bangkay lamang ang kanilang narekober.

Sinabi naman ni Maj. Ezra Balagtey, public affairs chief ng Armed Forces Eastern Mindanao Command, na lima sa pitong nasawi ay mga pinuno ng NPA.

Nakilala ang mga nasawi na sina alyas "Brigol," deputy secretary at political officer ng Guerilla Front 71; "JM," team leader at logistics officer; "Jonas," team leader;  "Lieutenant," isang vice team leader; "Mark," medic; at isang bagong miyembro na si "Monet."

Hindi pa naman nakilala ang pampitog nasawi na isang babae.

ARMED FORCES EASTERN MINDANAO COMMAND

BARANGAY DATAL ANGGAS

EZRA BALAGTEY

GUERILLA FRONT

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

SITIO TUGAL

SOUTH MINDANAO REGIONAL COMMITTEE

VERGEL LACAMBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with