Misis sinumpak ng kapitbahay

CAVITE, Philippines- - Napatay ang 48-anyos na misis matapos itong tamaan ng bala ng sumpak ng kanyang kapitbahay na nakikipag-away kamakalawa ng umaga sa Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Evelyn Carrion habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Cesar “Sar” Barron, 48, ng nasabing barangay. Base sa police report, nakipag-away ang suspek sa kanyang kapitbahay na lalaki kung saan sinumpak nito subalit sa biktima tumama.

 

Show comments