Dumalo ng hearing itinumba

Cavite, Philippines – Inabangan habang papauwi ang isang 40-anyos na lalaki at pinagbabaril ng ‘di kilalang salarin matapos siyang dumalo sa isang pagdinig sa korte ng kinasangkutang kaso nito sa kahabaan ng Felipe Boulevard Brgy. 29, Caridad, Cavite City, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jerome Mariano, alias Diamante, ng Lopez Jaena St, Brgy 30, sa Caridad.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Buitizon, may hawak ng kaso, alas-10:15 ng uma­ga habang nagsasagawa ng nagpapatrolya ang Cavite Police nang masalubong nila ang nagtatakbuhang mga tao. Nang rumesponde, nadat­nan ang biktima na duguan habang nakahandusay sa kalsada at may mga  tama ng bala sa ulo at katawan.

Napag alaman na kagagaling lamang ng biktima sa court hearing sa kaso nitong Violation of Sec 11 Art. II RA 9165 at RTC Branch 88.

Naglalakad na papauwi nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulo na may kinalaman sa kanyang kaso ang nasabing krimen.

Show comments