Trader tinodas ng kabaro

BULACAN, Philippines – Bulagta ang 31-anyos na negosyante matapos itong saksakin ng kapwa negosyante kaugnay sa pinagtalunang away ng asawa sa harapan ng tindahan sa Brgy. Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Nazarenus Hospital ang biktimang si Christian Fuentes ng Northville 4-B sa nasabing barangay. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Dester Bondiogan, 40, ng nabanggit ding barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Marcelo Galsim, kinompronta ng biktima ang suspek sa harap ng tindahan dahil sa away ng kanyang misis subalit sa halip na makipag-usap ay nauwi sa matinding pagtatalo. Kaagad na pumasok sa tindahan ang suspek at nang lumabas ay inundayan ng saksak sa kaliwang dibdib ang biktima. Narekober sa crime scene ang iniwang kutsilyo ng suspek na may bahid ng dugo.

Show comments