Store owner pumalag sa holdap, itinumba
MANILA, Philippines – Patay ang isang store owner matapos na pagbabarilin nang pumalag sa mga armadong holdaper na nanloob sa tindahan nito sa Barangay Poblacion, bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.
Dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo kaya idineklarang patay sa D.O. Plaza Memorial Hospital ang biktimang si Efren Mabras.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naghahanda na ang biktima para magsara ng kaniyang tindahan nang biglang sumulpot ang apat na armadong lalaki na nagpanggap na mga kustomer.
Kaagad nagdeklara ng holdap ang apat na puwersahang kinuha ang P2,000 na pinagbentahan ng biktima.
Nanlaban naman ang biktima kaya nairita ang dalawa sa mga holdaper kaya ito pinagbabaril sa ulo.
Isa sa mga suspek ay natukoy na notoryus na si Ken-Ken Perez na mabilis na nagsitakas lulan ng motorsiklo.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na kasalukuyang isinasailalim na sa ballistic examination.
- Latest