Lola dedo, lolo grabe sa akyat-bahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 81-anyos na lola habang kritikal naman ang mister na lolo matapos pagsasaksakin at pagpapaluin ay pinagnakawan pa ng mala­king halaga ng mga di-kilalang kawatan sa Barangay Kuwatro, bayan ng San Mateo, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Romeo Pillos, hepe ng San Mateo PNP ang napatay na si Lola Marcelina Peña, 81, habang nakikipagbuno naman kay kamatayan sa Santiago City Sanitarium and Hospital si Lolo Marcelino Peña. Ayon sa police report, tinangay ng mga kawatan ang P.1 milyong inipon ng mag-asawa. Nadiskubre ang duguang katawan ng mag-asawa dakong alas-7 ng umaga sa loob ng kanilang bahay habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments