23-anyos inutas sa frat war

CAMARINES NORTE, Philippines – Sabog ang ulo ng 23-anyos na binata matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na frat war may ilang metro ang layo sa San Antonio High School sa Barangay San Antonio, bayan ng Barcelona, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Malapitang niratrat ang biktimang si Jomar Fulgosino ng Barangay Paghaluban habang tumakas naman ang tatlong suspek patungo sa direksyon ng Barangay Sta. Lourdes at pansa­mantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan. Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay frat war kung saan miyembro ng kalabang frat ang biktima.

Show comments