^

Probinsiya

Magsasaka pinatay sa gulpi

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang 42-anyos na magsasaka ng dalawang kainuman matapos magkapikunan sa masamang biro noong Miyerkules ng gabi sa Purok Camachile, Barangay Gabaldon sa Muñoz City, Nueva Ecija. Narekober sa Gabaldon River ang bangkay ng biktimang si Arthuro Noveda habang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspek na sina Felix Ramento at Erick Santos na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang nag-iinuman ang biktima at dalawang suspek nang magkapikunan sa masamang biruan hanggang sa mauwi sa pamamaslang. Kinaladkad pa ng mga suspek ang katawan ng biktima saka itinapon sa ilog. Nasaksihan naman ng magpinsan ang ginawang pamamaslang sa biktima kaya kaagad na naipaabot sa pulisya.

vuukle comment

ARTHURO NOVEDA

BARANGAY GABALDON

ERICK SANTOS

FELIX RAMENTO

GABALDON RIVER

KINALADKAD

MIYERKULES

NUEVA ECIJA

PUROK CAMACHILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with