Trader tinodas sa tindahan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matinding panibugho ang isa sa motibo kaya pinatay ang 54-anyos na may-ari ng tindahan matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki kamakalawa sa Barangay Balintocatoc, Santiago City, Isabela. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Alexander Santos, hepe ng Santiago City PNP, nagpanggap na bibili sa tindahan ng biktimang si Mauricia Martin ang suspek. Sa halip ay binigyan ng suspek ang biktima ng tig-iisang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaliwang kamay, kaliwang dibdib at kaliwang binti bago naglakad palayo sa crime scene dakong alas-7 ng gabi. Ayon sa mister ng biktima na si Delfin Martin, wala siyang alam na motibo upang sapitin ng asawa ang malagim nitong pakikipagtipan kay kamatayan habang patuloy naman ang pagsisiyasta ng pulisya.

Show comments