Kawani ng DPWH tiklo sa drug bust

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang 57-anyos na kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos itong arestuhin ng pulisya kaugnay sa nasamsam na apat na sachets na shabu at ilang drug paraphernalia sa isinagawang raid sa Barangay Macanaya, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang suspek na si Marvin Petete. Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Oscar Zaldivar ng Aparri Regional Trial Court Branch 7.

Show comments