Bike vs bike: 3 dedo

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang bumulagta habang tatlong iba pa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Sitio Palo, Barangay Iba sa bayan ng Cabanglasan, Bukidnon kahapon. Sa ulat ni P/Insp. Jisselle Longgakit, tagapagsalita ng Bukidnon Provincial Police Office, kabilang sa mga namatay ay sina Elmer Ginombay, Teodoro Tulib, at si Simplicio Cardeña habang sugatan naman sina Reymar Manlahag, Jessie Ginombay, at isa pang hindi kilalang driver ng motorsiklo. Sa inisyal na imbestigasyon ng Cabanglasan PNP, patungong Barangay Iba ang motorsiklo nina Manlahag at Ginombay nang makasalpukan ang motorsiklo na minaneho ni Tulib.

Show comments