6.2 magnitude na lindol yumanig sa Bicol

MANILA, Philippines – Tumama ang magnitude 6.2 na lindol sa Catanduanes at iba pang bahagi ng Bicol region kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa  91 kilometro hilaga-silangan ng Virac, Catanduaes gana na 11:13 kagabi.

May lalim na tatlong kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity V (strong) sa Gigmoto, Catanduanes, habang Intensity IV (moderately strong) sa Virac.

Intensity III naman ang naranasan sa Panganiban, Catanduanes, Sorsogon City, Legazpi City at Irosin at Prieto Diaz sa Sorsogon.

Naitala naman ang Intensity II sa Naga City, Masbate City at Quezon City, habang Intensity I sa Maynila.

 

Show comments