Barangay chairman, guro nilikida
NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang barangay chairman ang pinabulagta matapos na tadtarin ng bala ng baril ng riding-in-tandem gunmen sa Purok 5, Barangay Poblacion sa bayan ng Don Carlos, Bukidnon kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Chairman Juanito Labuca, 52, ng Barangay Magsaysay; at Perpetua Bitoon, 44, guro, at mga nakatira sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon. Ayon sa police report, niratrat ang mga biktima habang nakatayo sa gilid ng nakaparadang Isuzu pick-up.Nagtamo ng matinding tama sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima habang narekober naman ng PNP-Bukidnon sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest