Lalaki tsinap-chop, pinugutan

CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos pagputul-putulin ang kanyang katawan ay pinugutan pa saka isinilid sa dalawang travelling bag at inabandona sa kahabaan ng Jose Abad Santos Road sa Barangay Salitran 4, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, natagpuan ng isang residente ang dalawang travelling bag habang pauwi. Kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pagkakadiskubre ng dalawang bag na naglalaman ng bangkay ng lalaki. Sa pagsisiyasat ng pulisya, tsinap-chop ang katawan ng lalaki at pinugutan pa saka ibinalot sa garbage bag at isinilid sa dalawang travelling bag. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa biktima habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments