TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang apat na miyembro ng sindikato ng bawal na droga matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa nasamsam na P.5 milyong droga sa Barangay San Antonio, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang mga susek na sina Thelma Pooten, 22, ng La Trinidad, Benguet; Janet Castro, 39; Judith Palattao, 33; at ang 45-anyos na trike driver na si Armando Arce. Nasamsam sa mga suspek ang 186.5 gramong shabu na nakalagay sa dalawang plastic bag matapos ang buy-bust operation ng pulisya. Nabatid na si Pooten na tumatayong lider ng grupo ay pinaniniwalaang nagmula sa Baguio City bago bumiyahe sa ilang bayan ng Cagayan para magpakalat ng bawal n droga.