Sundalo dedo sa riding in tandem

NORTH COTABATO, Philippines---Patay ang isang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Kuritem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Kinilala ni  Chief Inspector Jonathan De Gracia, hepe ng pulisya rito ang biktima na si Private First Class Richard Enduso na nakabase sa ba­yan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao sa ilalim ng 2nd Mechanized Battalion.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Datu Odin Sinsuat PNP sinundan  ng mga suspek ang biktima habang bumibiyahe ito mula bayan ng Datu Saudi Ampatuan papuntang Awang pero pagsapit nito sa bahagi ng Brgy. Kurintem ay bigla na lamang pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril kay Enduso ay tinangay din ng mga  suspek ang motorsiklo ng biktima. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang motibo ng krimen. (Rhode­rick Benez)

Show comments