MANILA, Philippines – Nakaramdam ng pagyanig ng lupa matapos ang 5.6 magnitude na lindol ang dalawang bayan sa Tawi-Tawi kahapon ng madaling araw. Ayon sa Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 016 kilometro sa timog kanluran sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi. Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 4 sa mga bayan ng Simunul, Bongao at sa bayan ng Panglima Sugala at sa bayan ng Siasi, Sulu habang intensity 3 naman sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi at Maimbung sa Sulu. Samantala, nakapagtala naman ang Phivolcs ng magnitude 5.0 na lindol kahapon ng umaga sa may 185 kilometro sa timog silangan ng Governor Generoso sa Davao Oriental at sa lalim na 045 kilometro. Ayon sa Phivolcs, bagama’t walang naitalang nawasak na ari-arian, inaasahan naman ang aftershocks.