^

Probinsiya

Tawi-Tawi nilindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaramdam ng pagyanig ng lupa matapos ang 5.6 magnitude na lindol ang dalawang bayan sa Tawi-Tawi kahapon ng madaling araw. Ayon sa Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 016 kilometro sa timog kanluran sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi. Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 4 sa mga bayan ng Simunul, Bongao at sa bayan ng Panglima Sugala at sa bayan ng  Siasi, Sulu habang intensity 3 naman sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi at Maimbung sa Sulu. Samantala, nakapagtala naman ang Phivolcs ng magnitude 5.0 na lindol kahapon ng umaga sa may 185 kilometro sa timog silangan ng Governor Generoso sa Davao Oriental at sa lalim na 045 kilometro. Ayon sa Phivolcs, bagama’t walang naitalang nawasak na ari-arian, inaasahan naman ang aftershocks.

vuukle comment

AYON

BAYAN

BONGAO

DAVAO ORIENTAL

GOVERNOR GENEROSO

PANGLIMA SUGALA

PHILIPPINE INSTITURE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

SIMUNUL

TAWI-TAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with