Barkong may kontrabando, nakatakas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakatakas sa pagbabantay ng mga awtoridad ang Taiwanese re­gistered fishing boat na may 2,000 kahong smuggled na sigarilyo mula sa Port of Currimao, Ilocos Norte kamakalawa ng madaling araw. ?

Sa nakalap na imbestigasyon ng Currimao PNP mula sa Philippine Coast Guard, pinaniniwalaang pinatakas ang barko na may pitong tripulante kasama ang skipper na si Capt. Chen Yonji Ji.

Sinabi ni P/Senior Insp. Ryan Retotar, namataan ang nasabing barko na naglayag na may 200 metro pa lamang ang layo nito mula sa pantalan.?

Base sa warrant of seizure at detention, ang kustodiya ng nasabing barko ay sinasabing nasa ilalim ng Bureau of Customs, ayon kay Retotar.?

Magugunita na dinakip ng Phil. Coast Guard ang Taiwanese boat noong Nobyembre 2014 nang magtangka itong magpuslit ng kontrabandong branded na sigarilyo mula Europa at China.?

Sa panig naman ni Commodore Pablo Gonzales Jr. kumander ng Coast Guard North Western Luzon, ang Bureau of Customs ang nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso.?

Sa ngayon ay panibagong pagsisiyasat na naman ang isinasagawa ng mga awtoridad kaugnay sa  pagtakas ng nasabing barko.

Show comments