Medical mission sa Cavite

MANILA, Philippines – Tinatawagan ni Senator Nancy Binay, sa pakikipag-ugnayan kay Cavite Governor Jonvic Remulla at medical vo­lunteer group Faces of Tomorrow (FOT), ang mga batang may cleft lip/palate na nakatira sa Cavite at kalapit na lugar para sa idaraos na libreng surgical at dental mission mula Jan. 18-23, 2015 in Trece Martires City, Cavite.

Kasalukuyang ginagawa ang screening sa mga pas­yente sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City at pina­lawig pa para ma-accom­modate ang mga walk-ins hanggang Jan. 21, 2015.

Para sa karagdagang impormasyon, ang mga inte­re­sado ay maaaring tumawag kay Dr. Evol Salazar, 8 a.m.- 5 p.m., sa nasabing ospital o sa tel. nos. (046) 419-1713 to 16.

Ang medical mission ay sinuportahan ng  Junior Chamber International (JCI), City Government ng Trece Martires at General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.

Show comments