Kagawad pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kaguluhan ang inihasik ng isang lasing na miyembro ng Lupong Tagapamayapa matapos nitong pinabulagta ang isang dumayong ba­rangay kagawad sa kanilang pook sa Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela kamaka­lawa. ?Sinabi sa PSN ni Sr. Insp. Alford Accad, hepe ng PNP San Pablo na pinaghahanap na  ngayon si Alberto Marcelino na miyembro ng Peace and Order Council sa Barangay San Vicente.?

Ayon kay Accad, niratrat ni Marcelino ng M16 armalite rifle ang biktimang si Kagawad Ronald Bernaga, 35 ng kalapit na Barangay Dalena matapos tutukan ng cal.45 boga ang kainuman niyang si Reggie Tirabu.?

Lumalabas sa imbestigasyon na na­angasan ang suspek sa inasal ng biktima kay Tirabu na ka­nilang hinihikayat kontratahin na magkarga at magbiyahe ng kahoy sa kanyang sasakyan.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng  bala ng M16 ng SOCO habang tinangay naman ng suspek ang baril ng biktima sa kanyang pagtakas.

Show comments