Nag-amok sa palengke dedo sa shootout

NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang nag-amok sa pampublikong palengke matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Demacompas Street, Poblacion 2 sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng umaga. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Seig­fredo Ramos Jr. rumesponde ang kanyang mga tauhan sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng ulat na may nag-aamok at nagpapaputok ng baril. Sumiklab ang shootout matapos makipagbarilan ni Pogie Macatanong sa pangkat ng PNP kung saan napuruhan ito. Naisugod sa Regional Health service subalit idineklarang patay si Macatanong. Narekober kay Macatanong ang dalawang cal.45 pistol na may pitong bala at isang magazine na may tatlong bala.

Show comments