Mag-ama itinumba ng tandem

RIZAL, Philippines – Pagnanakaw ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem  gunmen sa Barangay San Jose sa bayan ng Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Robert Baysa, hepe ng Rodriguez PNP ang mag-ama na sina Enrique Pabas, 48; at Ricardo Fernandez, 30, mga nakatira sa nabanggit na barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Eustaco Balado, nagpapa-vulcanize sa Sugbuan Road ang mag-ama nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na nagpanggap na customer.Tinangay ng gunmen ang backpack ng mag-ama saka mabilis na tumakas. Sinisilip ng pulisya ang anggulong pagnanakaw ang isa sa motibo ng gunmen.

Show comments