Nalugi sa negosyo, nag-suicide

CAVITE, Philippines -  Pinaniniwalaang desperado sa pagkalugi sa negosyo ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 47-anyos na trader matapos nitong lunukin ang laso na may nakakabit na maliit na kahoy sa kanilang bahay sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Ayon kay P03 Paulo Figueroa, bandang alas-3:20 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ni Crisodono Ababa sa kanyang kuwarto CityHomes Resortville sa nabanggit na barangay. Bago maganap ang insidente,  namataan ang biktima na animo’y desperadong nag-iisa sa kanilang bahay dahil sa sinasabing pagkalugi sa negosyong networking. Tumanggi naman ang misis ng biktima na isailalim sa autopsy ang kanyang mister.

 

Show comments