Pumugot sa ka-live-in, dakma

BULACAN, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpugot ng kanyang ka-live-in may apat na taon na ang nakalipas matapos itong masakote sa Barangay Balaynan sa bayan ng Goa, Camarines Sur kahapon. Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Manuel de Vera ang suspek na si Sonny Guevarra 38, ng Gitio Armstrong, Brgy. Camachile, sa bayan ng Dona Remedios Trinidad, Bulacan at sinasabing nasa ikaapat na most wanted person sa nasabing bayan. Sa tulong ng mga tauhan ng GOA PNP ay inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Basilio Gabo Jr. ng Malolos City Regional Trial Court Branch 11 sa Bulacan at walang piyansang inirekomenda. Sa record ng pulisya, si Guevarra ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang kinakasamang si Celia Gumban noong gabi ng Nobyembre 12, 2011 dahil sa paghingi ng pera na hindi pinagbigyan ng biktima.

Show comments