Binata utas sa love triangle

BULACAN, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 34-anyos na binata matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Caingin, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng umaga. Anim na bala ng cal.45 pistol ang tumapos kay Lyod Clemente ng Sitio Kalsadang Luma sa nasabing barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pansamantalang ipinarada ng biktima ang kanyang Toyota Corolla (WSB-331) para hintayin ang kanyang nobya nang lapitan at ratratin ng tandem. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa love triangle ang motibo kaya pinatay ang biktima.

Show comments