Magsasaka dinedo sa irigasyon

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang 51-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa irrigation canal sa Barangay Faigal, bayan ng Guimba, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Walong tama ng bala ng baril ang tumapos kay Ruben Valen­zuela ng Barangay Sto. Domingo, Talugtog, Nueva Ecija. Sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima matapos bisitahin ang  kanyang palayan nang harangin at ratratin.

Show comments