Sanggol naabo sa sunog

QUEZON, Philippines – Patay ang 11-buwang sanggol na babae matapos itong makulong sa nasunog na bahay sa Purok Kamias, Barangay Ungos sa bayan ng Real, Quezon, kamakalawa ng gabi. Ayon sa mga imbestigador, naiwan ng kaniyang mga magulang na sina Leopoldo at Janeth ang biktimang si Jannette Valez nang magtakbuhan palabas ng kanilang bahay na nasusunog. Bandang alas-10:50 ng gabi ay biglang sumiklab ang apoy sa wall outlet ng bahay ng pamilya Valez at dahil sa gawa lamang ito sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy. Nagpanik ang mag-asawa at sa kalituhan ay nalimutan ang kanilang anak na natutulog kaya tuluyang nilamon ng apoy.

Show comments