US drone bumagsak sa Quezon

QUEZON, Philippines – Isinailalim na sa masusing pagsisiyasat ang natagpuang aerial target drone ng US Navy matapos itong bumagsak sa bahagi ng Barangay Busdak, bayan ng Patnanungan, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng Patnanungan PNP, ang nasabing aerial drone na may numerong BQM 74E, BQ55079 ay namataan ng mga residente na bumagsak sa madamong bahagi subalit hindi agad nakuha ng mga awtoridad dahil sa masamang panahon. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ang kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan sa US Embassy sa Maynila upang mabatid ang iba pang detalye kaugnay sa pagbagsak ng aerial target drone.

Show comments