Kinalasan ng misis, nag-suicide

CAMARINES NORTE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 32-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng kanyang misis matapos itong tumalon mula sa Panganiban Bridge sa Barangay San Francisco, bayan ng Camaligan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Huling namataang buhay ang biktimang si Marvin Delos Santos na naglalakad sa Barangay Triangulo, Naga City na patungo sa Panganiban Drive. Ilang minuto ang nakalipas ay umakyat ito sa nasabing tulay saka tumalon sa Bicol River. Natagpuan ang bangkay ng biktima kahapon ng umaga sa karatig barangay.

Show comments