Kano utas sa sumemplang na bike

NUEVA ECIJA, Philippines – Bulagta ang 69-anyos na Kano habang sugatan naman ang kanyang misis na Pinay matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa pag-iwas sa tumatawid na aso sa Barangay Balangkare Norte, bayan ng General Natividad, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga. Namatay habang ginagamot sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Michael Patrick Krakie habang sugatan naman si Zenaida Krakie, 62, kapwa nakatira sa Block 4 sa nabanggit na barangay. Base sa police report, nagmomotorsiklo ang biktimang kaangkas ang kanyang misis nang iwasan nito ang asong pag-aari ni Floserpina Agustin na tumatawid sa kalsada. Sumemplang ang motorsiklo kung saan nadaganan ang biktima habang ang misis nito ay tumilapon.

Show comments