^

Probinsiya

P10-M marijuana nasamsam

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines –  Umaabot sa mahigit sa 140 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang hindi bababa ng P10 M  ang nasabat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang van sa isinagawang checkpoint sa Camp 7, Baguio City kamakalawa ng gabi.? Sinabi ni SPO3 Efren Abaya na 34 bricks at 73 bundles ng pinatuyong dahon ang kabuuan ng mga nakumpiskang kontrabando mula sa mga naarestong suspek na sina Arnold Fabian Atonen, 20 ng Kayapa, Bakun at Rose Baleg Bentrez, 33 ng Sagpat, Kibungan, kapwa sa lalawigan ng Benguet. ?Nakatakas ang driver at isa pang alalay nito bago pa man madiskubre ang bawal na kargamentong iluluwas sana ng Maynila. Kasalukuyan pa ring sinisiyasat ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may ari ng van at mastermind sa naunsiyaming delivery ng milyong halaga ng marijuana.

vuukle comment

ARNOLD FABIAN ATONEN

BAGUIO CITY

BAKUN

BENGUET

EFREN ABAYA

KASALUKUYAN

KAYAPA

KIBUNGAN

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSE BALEG BENTREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with