^

Probinsiya

Mangingisda kritikal sa dinamita

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang 33 –anyos na mangingisda matapos itong masabugan ng dinamita na gamit sa illegal na panghuhuli ng isda sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang  biktimang si Muallam Hassan ng Barangay Tumitus sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bahay ng biktima sa nabanggit na barangay nang maganap ang insidente. Nabatid na inilalagay ng biktima ang dinamita sa loob ng bote nang bigla na lamang itong sumambulat. Sa lakas ng pagsabog ay nasapul ang kamay ng biktima at nagtamo rin ng sugat sa iba pang bahagi ng katawan. Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang naganap na pagsabog na gumulantang sa mga kapitbahay ng biktima.

BARANGAY

BARANGAY TUMITUS

BIKTIMA

CAMP CRAME

ISINASAILALIM

KASALUKUYANG

MUALLAM HASSAN

NABATID

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with