Dalaga ni-rape sa balon

MANILA, Philippines – Nawasak ang pagkababae ng 23-anyos na dalaga matapos itong halayin ng kapitbahay na lalaki sa gilid ng balon sa Barangay Curuan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na itinago sa pangalang Sarah ay lumuluhang dumulog sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek na si Rene delos Reyes.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame nakatapis na naliligo ang biktima sa gilid ng balon nang dambahin ng suspek at isinagawa ang maitim na balak.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na matagal ng namboboso ang suspek sa dalaga sa tuwing maliligo ito sa balon hanggang sa sumpungin ito ng pagkamanyak at halayin ang biktima.

Show comments