^

Probinsiya

Banko niransak ng kawatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Aabot sa mil­yong halaga ang natangay ng mga kawatan Makaraang pasukin ang kilalang  banko sa Barangay Salinas 4 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat na nakara­ting sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nadiskubre ang insidente bandang alas-8:20 ng umaga matapos buksan ng security guard na si Romeo Gopio ang banko kung saan napansin nito na nagkalat ang mga gamit. Nadiskubre rin ang malaking butas sa sementadong sahig na may lagusan sa likuran ng banko na pinaniniwalaang nilusutan ng mga kawatan. Pinaniniwalaang mga minero na bihasa sa pagbubutas ng tunnel ang nasa likod ng pagnanakaw.

AABOT

BACOOR CITY

BARANGAY SALINAS

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

IMUS CITY

MAKARAANG

NADISKUBRE

ROMEO GOPIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with