^

Probinsiya

3 bata durog ang kamay sa paputok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong bata ang nasugatan matapos na masabugan ng paputok na pinaglaruan ng mga ito sa naganap na magkahiwalay na insidente sa bayan ng Tayug, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Panga­sinan PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Don Don Piddo,15; Ogma Lopez,14; at ang 7-anyos na si Rizaldy Alamaron na pawang naisugod sa Eastern Pangasinan District Hospital.

Ayon sa imbestigasyon, pinulot ng biktimang si Don Don ang sinindihang 5-star na paputok na hindi kaagad sumambulat pero pagdampot nito ay sumabog kung saan halos nadurog ang kaniyang kanang kamay sa Barangay C.

Samantala, namulot din ng paputok ang biktimang si Alamaron na nasabugan sa gitnang bahagi ng kaniyang gitnang daliri sa naganap na insidente sa Barangay Sto. Domingo.

Si Lopez naman ay nag­lalaro nang sinindihang Piccolo na inilalagay nito sa bunganga ng kaniyang hinuling palaka nang biglang sumabog ang pa­putok habang hawak nito sa kaniyang kaliwang daliri.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mapahamak sa pagsalubong sa Bagong Taon.

BAGONG TAON

BARANGAY C

BARANGAY STO

CAMP CRAME

DON DON

DON DON PIDDO

EASTERN PANGASINAN DISTRICT HOSPITAL

OGMA LOPEZ

RIZALDY ALAMARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with