Pastor dedo sa road mishap

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 43-anyos na Amerikanong pastor habang malubha naman ang misis nito matapos na sumalpok ang kanilang SUV sa punungkahoy sa gilid ng Km. 9, Barangay Pacol sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Pastor Andrew Evan Pearce 43, guro sa Naga View Adventist College habang malubha naman ang kanyang misis na si Cecilia Mendoza –Pearce, 46, kapwa nakatira sa Lipa Adventist Academy, Lipa City, Batangas.

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, patungo sa Naga City nang nag-overtake ang Hyun­dai Santa Fe (VED-681) ng mag-asawa sa sinusundang sasakyan kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Andrew kaya sumalpok sa puno ng manga.

 

Show comments