P.6-M shabu, kuha sa 3 ‘tulak’

BULACAN, Philippines – Sa kulungan magdiriwang ng Bagong Taon  ang tatlong notoryus na tulak ng shabu matapos na maaresto ang mga ito ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at pulisya sa isinagawang drug buy bust operation sa bahagi ng Brgy. Calvario, Meycuayan City, Bulacan kahapon.

Kaagad na kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 ang mga suspek na sina Alvin Tan, 30, Herbert Valerio, 29 at Hideki Gorospe, 30, pawang mga residente ng Litlle Baguio, Brgy. Malhacan sa bayang ito.

Base sa ulat ni P/SInsp. Joy Placido deputy COP ng Meycauayan CPS dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspect.

Habang nagpapalitan na ng items ay dito na sila di­namba ng mga nakaabang na mga operatiba saka inaresto. Nakarekober sa mga suspect ang P600,000 halaga ng shabu kabilang ang boodle money na ginamit sa ope­rasyon.

Show comments